Ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 26, 2025, isinagawa ang blessing ng 3 bagong sasakyan na binili ng ating munisipyo na itatalaga sa RHU, Municipal Agriculturist Office, at Treasurer's Office. Layunin ng administrasyong ito na mapagkalooban ang bawat departamento ng mga sasakyan para sa mas mabilis na fieldwork at maayos na serbisyo publiko. Ang naturang kaganapan ay sinaksihan nina Mayor Lyndon Masicat Bruce , kasama ang Sangguniang Bayan, Department Heads, at ilang mga empleyado ng pamahalaang bayan.
Ang proyektong ito ay naging matagumpay rin dulot ng pakikipag-ugnayan ni Mayor Lyndon Masicat Bruce kay Senator Francis Tolentino. Tulad na rin ng kanyang ginawang pakikipag-ugnayan sa Provincial Office para naman sa pagkakaroom ng sasakyan ng mga Pulis sa bayan ng Laurel.



0 Comments