CENTENARIAN AWARD 2025





 CENTENARIAN AWARD 2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 56th Founding Anniversary ng Bayan ng Laurel, Isang makasaysayang araw na puno ng tuwa, ngiti, at luha ng kagalakan ang ating nasaksihan sa paggawad ng Centenarian Award sa tatlong kababayan nating umabot sa 100 taong gulang at higit pa!
• Consolacion Masicat Puzalan – 100 Years of Life
• Leoncia Alcazar Diomampo – 100 Years of Life
• Maricta Gonzales Deomampo – 103 Years of Life
Ang kanilang buhay ay patunay ng tibay, pananampalataya, at pagmamahal sa pamilya at bayan. Sa kanilang mga mata ay nasasalamin ang kasaysayan, at sa kanilang mga ngiti ay tagumpay ng maraming dekada ng buhay.
Ipinagkaloob ang parangal at pagkilala sa pangunguna nina Mayor Lyndon M. Bruce, Vice Mayor-elect Brandon Bruce, Sangguniang Bayan Members, Congressman-elect Atty. King Collantes at Vice Governor Mark Leviste.
Lubos ang aming pasasalamat at pagpupugay sa ating mga centenarians. Kayo ay tunay na yaman ng ating bayan. Mabuhay po kayo!

Post a Comment

0 Comments