PABATID SA PUBLIKO
IKAPITONG ARAW NA NG TULOY-TULOY NA PAG-ULAN 

Pinaaalalahanan po ang lahat na ngayon ay ikapitong araw na ng walang tigil na pag-ulan sa ating bayan. Dulot nito ang patuloy na banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang panganib, lalo na sa mga mabababang lugar, gilid ng bundok, at tabing-ilog.

Kung kayo po ay naninirahan sa mga lugar na binabaha, may posibilidad ng landslide, o delikado sa pagguho, lumikas na habang maaga at hindi pa kritikal ang sitwasyon.
Mas ligtas pong umiwas kaysa abutan ng panganib. Bukas ang mga evacuation centers para sa inyong kaligtasan.

Biglaang pagtaas ng tubig sa mga ilog at sapa
Pagguho ng lupa o landslide
Pagkaputol ng kuryente at linya ng komunikasyon
Hindi madaanang mga kalsada













MANATILING LIGTAS, MGA LAURELEÑO!
0 Comments