𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐊𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋, 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐀𝐍𝐓𝐄𝐒





  𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐊𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋, 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐀𝐍𝐓𝐄𝐒

🩺
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Lubos nating ipinagpapasalamat ang pagtugon ni 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬 sa pangangailangang medikal ng ating mga kababayan sa Laurel. Sa pamamagitan ng kanyang 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, maraming residente ang nabigyan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at pagbili ng kinakailangang gamot.
Bilang kinatawan ng mamamayan, patuloy ang kanyang malasakit at dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng bawat Laureleño, lalo na sa panahon ng kagipitan.
Ang ganitong uri ng suporta ay patunay na sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga lider na may malasakit, mas napapalapit natin ang serbisyong medikal sa mga pamilyang tunay na nangangailangan. 💚

Post a Comment

0 Comments