𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐈 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐌𝐀𝐑𝐊 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐑 | 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋


𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Tinalakay natin ang mga mahahalagang usapin ukol sa pangkabuhayan at serbisyo para sa mamamayan. Bitbit din ng ating Senador ang kaunting tulong para sa ating mga kababayan, bilang tugon sa kasalukuyang pangangailangan ng ilan nating residente.
Isa rin sa naging highlight ng kanyang pagbisita ay ang pakikipagpulong sa 𝐊𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐩𝐫𝐞𝐧𝐞𝐮𝐫 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, kung saan natalakay ang mga oportunidad sa larangan ng agrikultura at kalikasan at ang papel ng kabataan sa pagpapaunlad ng sektor na ito.
Lubos nating pinahahalagahan ang ganitong uri ng inisyatiba na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga Laureléño, lalo na ang kabataang nagsisikap na magtagumpay sa kani-kanilang larangan.
Patuloy po nating isusulong ang mga ugnayang makakatulong sa pag-angat ng ating bayan tungo sa isang mas masigla, mas matatag, at mas maunlad na Bagong Laurel.
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨, 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫! 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲𝐨!
0 Comments