𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐨𝐜𝐡𝐫𝐨𝐦𝐞, 𝐍𝐮𝐯𝐚𝐥𝐢, 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚
Isang malaking karangalan ang natanggap ng ating butihing Punong Bayan na si 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐜𝐚𝐭 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 matapos kilalanin bilang 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐍𝐀𝐏𝐎𝐋𝐂𝐎𝐌) – 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍. 🏆
Dumalo bilang 𝐆𝐮𝐞𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫 𝐬𝐢 𝐂𝐎𝐌𝐑. 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐜𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐑. 𝐂𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧, 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐍𝐀𝐏𝐎𝐋𝐂𝐎𝐌, na isa ring ipinagmamalaking anak ng Bayan ng Laurel. Sa okasyong ito, nakadaupang-palad rin natin ang maraming kakilala at kaibigan na mas nagpatibay ng ating ugnayan at pakikipagkaisa.
Kasama rin natin sa pagtitipon si 𝐏𝐌𝐀𝐉 𝐑𝐡𝐲𝐚𝐧 𝐎𝐥𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐨𝐟 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐧𝐠 𝐏𝐍𝐏 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥, na buong pusong sumuporta sa ating Punong Bayan. 👮
Kalakip nito ang pagbati kay 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐥𝐦𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬-𝐑𝐞𝐜𝐭𝐨 na ginawaran din bilang 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 – 𝐍𝐀𝐏𝐎𝐋𝐂𝐎𝐌 𝐃𝐞𝐩𝐮𝐭𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang matatag na pamumuno, malasakit, at walang sawang suporta sa kapulisan at mamamayan ng bayan ng Laurel. Isang patunay ang pagkilalang ito na sa pagtutulungan ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan, mas nagiging matibay ang pundasyon ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng isang bayan.
#Laurel #OutstandingChiefExecutive #NAPOLCOM #NationalCrimePreventionWeek #59thFoundingAnniversary #GoodGovernance #SerbisyongTapat #TayoAngBagongLaurel #BagongLaurelMaunlad
0 Comments