September 30, 2025 l Buso-Buso Covered Court, Laurel, Batangas
Isang makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa sa paggawad ng Livelihood Assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) para sa ating mga organisasyon ng nakatatanda.
Kabilang dito ang Guresca o Gulod Resilient Senior Citizens Association na may kabuuang 149 na miyembro at ang pangunahing produkto nila ay siomai at lumpia rolls.
Buesca o Buso-Buso Empowered Senior Citizens Association na may 132 na miyembro at pangunahing produkto naman ang chicharong tilapia.
Ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat kina COSE Executive Director Ms. Emily N. Beridico at G. Denis Ahmad, at higit sa lahat kay DOLE Provincial Director Dir. Predelma M. Tan, kasama rin ang Focal Person ng DILP (DOLE) Ms Salvacion Kalalo , sa kanilang walang sawang suporta at malasakit para sa ating mga nakatatanda.
Patunay ang programang ito na ang ating mga nakatatanda ay patuloy na nagsisilbing haligi ng kaunlaran at inspirasyon sa pagtataguyod ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mas matatag at masaganang pamayanan.
#DOLECOSEPartnership
#SeniorCitizenEmpowerment
#TayoAngBagongLaurel
#BagongLaurelMaunlad
0 Comments