𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬
Isang araw ng kasiyahan, pagkatuto, at pagkakaisa para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Laurel! Isinagawa ang 𝐆𝐒𝐓 𝐂𝐮𝐦 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬, bilang bahagi ng layunin na patatagin ang samahan at isulong ang mas masayang paglilingkod sa bayan.
Bilang pasasalamat sa dedikasyon ng bawat isa, nagbigay rin tayo ng mga papremyo at nagpaawit ng banda, mula mismo sa ating sariling bulsa, bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng malasakit at pagkilala sa ating mga lingkod-bayan.
Nagpapasalamat din tayo sa buong suporta ng ating Vice Mayor Brandon M. Bruce, gayundin kina Municipal Administrator Dr. Bienvinido S. Mayuga, mga kagalang-galang na Sangguniang Bayan Members:
𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐢𝐤𝐨 𝐄𝐧𝐝𝐨𝐳𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐞𝐳𝐥 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐢𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐡𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠
at mga Department Heads ng kagawaran sa kanilang pakikiisa at patuloy na paggabay sa mga programa ng ating LGU.
“Nawa’y mas lalo pa nating mapagtibay ang samahan ng bawat isa, nang sa gayon ay makapaglingkod tayo ng may ngiti sa puso pagbalik natin sa ating mga opisina.”
Tayo ang Bagong Laurel, Maunlad!
#LaurelBatangas #SerbisyongMayPusoatMalasakit #TeamLaurel #GST2025 #OneLaurel #TayoAngBagongLaurel #BagongLaurelMaunlad
0 Comments