📸 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐄𝐋𝐃𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐖𝐄𝐄𝐊 | 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐆𝐑𝐄𝐒𝐏𝐄𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐑𝐀𝐀𝐍 👴👵






📸 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐄𝐋𝐃𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐖𝐄𝐄𝐊 | 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐆𝐑𝐄𝐒𝐏𝐄𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐑𝐀𝐀𝐍 👴👵
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦
Isang makabuluhang pagdiriwang ang ginanap ngayong araw sa Bayan ng Laurel bilang pakikiisa sa 𝐄𝐥𝐝𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓 na may temang “𝐄𝐦𝐛𝐫𝐚𝐜𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐞: 𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐚 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐠𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐮𝐫𝐩𝐨𝐬𝐞.” 
Sa selebrasyong ito, ating ipinakita ang ating taos-pusong pasasalamat, pagkilala, at pagmamahal sa ating mga nakatatanda, mga haligi ng ating pamilya, mga saksi sa kasaysayan, at patuloy na inspirasyon ng kabataan. 💚
Kasama natin sa masayang pagdiriwang ang mga kinatawan nina 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬, 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐅𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐫𝐨𝐧𝐚, 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐑𝐮𝐝𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐛𝐚, 𝐁𝐌 𝐃𝐞𝐯𝐬 𝐁𝐚𝐥𝐛𝐚, 𝐅𝐨𝐫𝐦𝐞𝐫 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐥𝐥𝐚 na kinatawanan ng kanyang May-bahay 𝐌𝐫𝐬. 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐚𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬, Guest Speaker na si 𝐌𝐫𝐬. 𝐉𝐨𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐣𝐚, ang ating  𝐎𝐒𝐂𝐀 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐌𝐫𝐬. 𝐀𝐮𝐫𝐞𝐚 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐜𝐚𝐭 at syempre ang mga kagalang-galang na miyembro ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧:
𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐢𝐤𝐨 𝐄𝐧𝐝𝐨𝐳𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐞𝐳𝐥 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐢𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐡𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, na nagpaabot ng kanilang pagbati, at mensahe ng pasasalamat para sa ating mga mahal na senior citizens. 
Tampok din sa programa ang masiglang palaro, sayawan, at mga munting handog na naghatid ng ngiti at saya sa bawat kalahok, patunay na sa kabila ng edad, tuloy ang sigla, pagmamahal, at serbisyo para sa komunidad. 
Muli, isang mainit na pagbati at pagpupugay sa ating mga nakatatanda, ang tunay na kayamanan ng ating bayan! 
#ElderlyFilipinoWeek2025 #SerbisyongMayPusoatMalasakit #BayanNgLaurel #TayoAngBagongLaurel #BagongLaurelMaunlad

Post a Comment

0 Comments