📸 𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝐈𝐍𝐀𝐔𝐆𝐔𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐆𝐂𝐎𝐑 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐎-𝐂𝐈𝐕𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 | 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋𝐄𝐍𝐎 🏛️✨ 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐏𝐀𝐆𝐂𝐎𝐑 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐨-𝐂𝐢𝐯𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 - 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐨





Isang makasaysayang umaga ang ginanap sa Barangay San Gregorio, Laurel, Batangas sa pormal na Inauguration ng PAGCOR Socio-Civic Center, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), mga opisyal ng pamahalaan, at mga residente ng bayan.
Sinimulan ang seremonya sa pamamagitan ng Cutting of Ribbon, Unveiling of the PAGCOR Logo, at Blessing, bilang hudyat ng pagbubukas ng bagong itinayong pasilidad. Kasunod nito ang Turnover Ceremony na nagbigay-diin sa opisyal na pagsasalin ng proyekto sa lokal na pamahalaan.
Dumalo sa okasyon si Mr. Eric I. Balcos, Assistant Vice President ng Community Relations and Services Department (PAGCOR), bilang kinatawan ni Hon. Alejandro H. Tengco, PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer, kasama ang ilan pang opisyal ng ahensya.
Kasama rin sa mga dumalo ang kinatawan ni Hon. Atty. King V. Collantes, Congressman ng 3rd District ng Batangas; Hon. Brandon Bruce, Municipal Vice Mayor; Dr. Bienvinido S. Mayuga, Municipal Administrator; ang buong hanay ng Sangguniang Bayan ng Laurel; mga Puno ng bawat Departamento ng Pamahalaang Bayan at ilang mga Barangay Captains.
kaugnay nito, Pinangunahan ni Rev. Fr. Eladio B. Oliver, MS, ang banal na pagbabasbas ng gusali, kasunod ang Turnover of Symbolic Key bilang opisyal na tanda ng pagpapasinaya. Nakiisa rin si Punong Barangay Cheelmark Cantero ng Barangay San Gregorio, na nagpahayag ng pasasalamat sa proyektong maglilingkod sa pangangailangang pangkomunidad ng kanilang barangay.
Samantala, Ang PAGCOR Socio-Civic Center ay magsisilbing lugar para sa mga pagtitipon, programa, Evacuation Center at proyektong pangkomunidad, isang pasilidad na magagamit ng mga mamamayan para sa mga aktibidad pang-edukasyon, pangkabuhayan, at pangkalusugan.
“Ang bawat proyekto tulad nito ay patunay ng ating pagkakaisa at ng hangarin nating maihatid ang tunay na serbisyo sa ating mga kababayan. Sa tulong ng PAGCOR at ng ating mga katuwang sa pamahalaan, mas lalo nating mapapalawak ang oportunidad para sa pag-unlad ng ating bayan.”
Ang inagurasyong ito ay isa na namang hakbang tungo sa Bagong Laurel at Matatag na Batangas na mas maunlad, mas makatao, at mas nagkakaisa.
#BLMUpdates
#PAGCORSocioCivicCenter
#BagongLaurelMaunlad
#SerbisyongMayPusoAtMalasakit
#TayoAngBagongLaurel

Post a Comment

0 Comments