Isang makasaysayang araw ang Nobyembre 12, 2025, sa matagumpay na pagdaraos ng Gawad Saka 2025 sa Bayan ng Laurel, Batangas, na may temang "Pagkilala sa mga Natatanging Magsasaka’t Mangingisda: Kaagapay sa Masaganang Bagong Laurel.”
Sa pangunguna ng ating Municipal Agriculturist, Ms. Anne Mirjam D. Atienza, at ng buong MAO, kinilala at pinarangalan natin ang mga natatanging indibidwal at organisasyon na nagsisilbing haligi ng ating agrikultura at pangisdaan.
Kaisa natin sa pagpaparangal sina Mayor Hon. Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Brandon M. Bruce, at ang buong hanay ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga kinatawan mula sa DA Region IV-A at BFAR IV-A.
CONGRATULATIONS sa lahat ng awardees! Kabilang sa kanila sina:
- Bernardo G. Atienza (Outstanding High Value Crops Farmer)
- Danice Ann S. Ulitin (Outstanding Small Animal Raiser)
- Molinete Farmers Association Natures Farm Inc. (Outstanding Farmers Org)
- Babae Lakas ng Mangingisda Association (BLMA) (Outstanding Fisherfolk Org)
- Keen and Aspiring Young Agripreneurs Association (KAYAA) (Outstanding Young Farmer Organization)
- San Gregorio Integrated School (Outstanding Gulayan sa Paaralan Implementer)
- Nestor M. Manalo (Oldest Farmer)
- Apolonia M. Martinez (Oldest Fisherfolks)
Ang inyong kasipagan at dedikasyon ay nagdudulot ng masaganang ani at huli para sa ating bayan. Kayo ang tunay na inspirasyon!
#FarmerandFisherfolksDay #GawadSaka2025 #LaurelBatangas #WOWBatangas
Read more at http://wowbatangas.com
0 Comments