PAALALA SA LAHAT!!!





Huwag magmaneho kapag nakainom o lasing. Kahapon lamang, dalawang magkahiwalay na aksidente ang aming nirespondehan dahil parehong lasing ang driver—parehong nasugatan at agad na isinugod sa ospital. Sa mga nakaraang araw, ilang insidente rin ang naitala na dulot ng pagmamanehong naka-inom.
Ipinapaalala po namin ang KAHALAGAHAN NG BUHAY, DISIPLINA, AT PAGIGING RESPONSABLE SA KALSADA. 
Kung mag-iinom, huwag magmaneho. Piliin ang ligtas na paraan pauwi at maging maingat upang hindi mapahamak ang sarili at maging sanhi ng kapahamakan ng iba.
Isang maling desisyon ay maaaring umagaw ng buhay. Piliin ang kaligtasan. 🚫🚗

Post a Comment

0 Comments