📸 𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎, 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋𝐄Ñ𝐎! 🎄✨





𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Kapaskuhan, taus-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Laureleño. Nawa’y mapuno ng saya, pag-ibig, at pag-asa ang bawat tahanan, at magsilbing inspirasyon ang diwa ng Pasko upang lalo pa nating patibayin ang pagkakaisa sa ating komunidad.

Kasabay ng selebrasyong ito ang patuloy na paninindigan ng pamahalaang bayan na maglingkod nang tapat, may malasakit, at may puso para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Sama-sama nating salubungin ang Pasko na may pasasalamat, pananampalataya, at pagkakapit-bisig tungo sa mas maunlad at mapayapang Bayan ng Laurel. 🤝💚🎄

#MaligayangPaskoLaureleño #TayoAngBagongLaurel #BagongLaurelMaunlad #SerbisyongMayPusoatMalasakit

Post a Comment

0 Comments