Laurel MPS-BPPO News Release 2025-42
Isang Lalaki, Inaresto sa Kaso ng Direct Assault sa Checkpoint sa Laurel
Nito lamang ika-25 ng Disyembre taong kasalukuyan, isang lalaki na tubong Laurel ang inaresto ng mga pulis matapos umanong mangyari ang insidente ng Direct Assault laban sa mga awtoridad habang nagsasagawa ng lehitimong police checkpoint operation sa nasabing bayan.
Batay sa ulat, ang suspek ay umano’y nagpakita ng panlaban at mapang-abusong asal at gumamit ng puwersa laban sa mga pulis na maayos na ginagampanan ang kanilang tungkulin. Dahil dito, agad siyang inasikaso at inaresto ng mga operatiba alinsunod sa umiiral na batas.
Ang nasabing checkpoint ay isinagawa bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Ipinapaalala ng kapulisan na ang pambabastos, pananakot, o pananakit sa mga pulis habang ginagampanan ang kanilang opisyal na tungkulin ay may katumbas na mabigat na pananagutan sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at ihahain ang kaukulang kaso laban sa kanya.
Muling hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan, maging magalang, at sumunod sa mga lehitimong checkpoint upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
Para sa Bayan. Para sa Kapayapaan.
#BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
#ToServeandProtect
#laurelmunicipalpolicestation
0 Comments