Ngayong araw, isinagawa ang Flag Ceremony na pinangunahan ng Assessor’s Office sa pamumuno ni Sir Aries De Sagun, bilang bahagi ng regular na pagtitipon ng Pamahalaang Bayan upang palakasin ang disiplina, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod sa hanay ng mga kawani.
Dumalo sa nasabing seremonya ang ating buting Mayor, Hon. Lyndon M. Bruce at ilang mga Sangguniang Bayan Members, ang Municipal Administrator na si Dr. Bienvenido S. Mayuga, mga Puno ng Kagawaran, mga kawani ng pamahalaan, gayundin ang mga kinatawan ng BFP, PNP, at Coast Guard, pati na rin ang mga Immersion at OJT students na patuloy na hinuhubog sa diwa ng serbisyo publiko.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ang ating panata sa tapat, mahusay, at makataong paglilingkod, habang pinapaalalahanan ang bawat isa sa kahalagahan ng pagkakaisa at pananagutan sa pagtupad ng tungkulin para sa kapakanan ng bayan.
Sama-sama, tuloy-tuloy ang pagkilos para sa mas maunlad na Laurel at serbisyong may puso at malasakit. ๐
#TayoAngBagongLaurel
#SerbisyongMayPusoAtMalasakit
#BagongLaurelMaunlad
0 Comments