Inaanyayahan po ang lahat ng Laureleño na makiisa sa Blood Donation Drive na pinangungunahan ng Philippine Red Cross - Batangas Chapter at SK Laurel. Ang simpleng pagbibigay ng dugo ay maaaring maging pag-asa para sa mga pasyenteng nangangailangan at makapagligtas ng maraming buhay.
📅 Enero 17, 2026 | 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Ground Floor, Municipal Hall, Laurel, Batangas
Sama-sama nating ipakita ang malasakit, bayanihan, at responsableng kabataan sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.
📌 Tingnan ang mga larawan para sa kumpletong detalye.
Makiisa. Magmalasakit. Mag-donate ng dugo ngayon. ❤️
0 Comments