Lubos naming ipinagmamalaki ang Public Employment Service Office (PESO) – Municipality of Laurel sa pagtanggap ng Plaque of Recognition mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A (CALABARZON) bilang High Performing PESO na may pinakamaraming programang naipatupad sa hanay ng 2nd Class Municipalities.
Ang parangal na ito ay patunay ng walang sawang paglilingkod, malasakit, at dedikasyon ng PESO Laurel sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkabuhayan at pang-empleyo sa ating mga kababayan. Sa pangunguna ni Mr. Arnulfo A. Escaño, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng pag-asa, oportunidad, at dignidad sa bawat mamamayang Laureleño.
Maraming salamat sa DOLE sa patuloy na tiwala at suporta. Higit sa lahat, salamat sa bawat kawani at katuwang na patuloy na nagsisilbi nang tapat para sa bayan.
Para sa trabaho, para sa kabuhayan, para sa Laurel! 💙💛
0 Comments