𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥
Lubos na ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Laurel, sa pangunguna nina 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, at ng buong 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥, ang tagumpay nina 𝐌𝐬. 𝐏𝐫𝐮𝐝𝐞𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐬. 𝐌𝐲𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐌𝐀𝐫𝐠𝐚𝐣𝐚 sa 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐀𝐭𝐡𝐥𝐞𝐭𝐢𝐜𝐬 sa ginanap na 𝟏𝟑𝐭𝐡 𝐀𝐒𝐄𝐀𝐍 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐆𝐚𝐦𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓 sa Thailand.
Ang inyong husay, disiplina, at hindi matatawarang determinasyon ay nagbigay-dangal hindi lamang sa ating bayan kundi sa buong bansa. Kayo ay patunay na sa sipag, tiyaga, at pananalig sa sarili, walang hangganan ang kayang abutin ng isang Laureleño.
Isang karangalan para sa Bayan ng Laurel ang inyong tagumpay, proud na proud ang buong pamunuan at bayan sa inyo! 🇵🇭🏅👏
#BLMUpdates
#ProudLaureleño
#ASEANParaGames2025
#ParaAthletics
#serbisyongmaypusoatmalasakit
#TayoAngBagongLaurel
0 Comments