𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥
Matagumpay na naisagawa ang panunumpa sa tungkulin ng mga newly elected Senior Citizens Presidents mula sa 21 Barangay's ng Bayan ng Laurel. Ang seremonyang ito ay sumisimbolo sa panibagong yugto ng pamumuno, paglilingkod, at malasakit para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda.
Lubos na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Laurel, sa pangunguna nina Municipal Mayor Hon. Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Brandon M. Bruce, at ng buong Sangguniang Bayan ng Laurel, ang patuloy na aktibong partisipasyon ng ating senior citizens sa pamamahala at pag-unlad ng komunidad.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong karanasan, karunungan, at dedikasyon sa patuloy na pagtataguyod ng isang inklusibo, makatao, at mapagkalingang bayan para sa lahat. 👏💚
#BLMUpdates
#SeniorCitizens
#OathTaking
#SerbisyongMayPusoAtMalasakit
#TayoAngBagongLaurel
0 Comments