📢𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎: 𝐓𝐀𝐗 𝐀𝐌𝐍𝐄𝐒𝐓𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 💚





Magandang balita, mga kababayan! Sa ilalim ng Republic Act No. 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act, ipinatutupad ang Tax Amnesty on Real Property Tax (Amilyar).

✅ Walang Penalties

✅ Walang Interest

✅ Walang Surcharges

Para ito sa mga hindi pa nababayarang amilyar sa mga nakalipas na taon, at maaari lamang ma-avail hanggang July 5, 2026.

Samantalahin na ang pagkakataong ito upang maayos ang inyong obligasyon nang walang dagdag na bayarin.

Makipag-ugnayan lamang sa Municipal Treasurer’s Office sa Ground Floor ng Munisipyo ng Laurel para sa karagdagang detalye.

Huwag palampasin! Ayusin ang amilyar, para tuloy-tuloy ang serbisyong para sa bayan. 🇵🇭

Post a Comment

0 Comments