📸 𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 | 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐕-𝐀 𝐀𝐓 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒 🏆📜






𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐋𝐢𝐩𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬

Muling pinatunayan ng Bayan ng Laurel ang kahusayan nito sa larangan ng civil registration matapos makamit ng ating Local Civil Registry Office, sa pangunguna ng ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐫 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐑𝐨𝐧𝐚𝐥𝐲𝐧 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐬, kasama ang kanyang masisipag na kawani, at sa patuloy na gabay at suporta ng ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, ang mga sumusunod na pagkilala:

🏅 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐒𝐦𝐚𝐥𝐥 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲) – 𝟓𝐭𝐡 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞

🏅 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞 (𝐒𝐦𝐚𝐥𝐥 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲) – 𝟐𝐧𝐝 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞 (𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥)

🏅 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞 (𝐒𝐦𝐚𝐥𝐥 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲) – 𝟏𝐬𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞 🥇

Ang mga parangal na ito ay iginagawad sa mga Local Civil Registry Offices na nagpapakita ng mataas na antas ng kahusayan sa records management, maayos at napapanahong pagrerehistro ng kapanganakan, kasal at kamatayan, wastong pag-uulat, at epektibong pagpapatupad ng mga pamantayan ng civil registration system.

Mula sa pagiging Ikalawang Puwesto noong 2023 sa Lalawigan ng Batangas, umangat ang Laurel bilang Unang Puwesto ngayong 2024, kasabay ng pagkilala sa antas ng Region IV-A (CALABARZON). Patunay ito ng patuloy na pagpapabuti ng sistema, dedikasyon ng ating mga kawani, at malasakit sa bawat mamamayang nangangailangan ng maayos at mabilis na serbisyo.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa isang tanggapan, kundi para sa buong komunidad ng Laurel, isang malinaw na simbolo ng ating kolektibong layunin na itaguyod ang mahusay, tapat, at makabagong pamamahala.

Patuloy tayong magsusumikap para sa mas epektibo at maaasahang serbisyo publiko para sa bawat Laureleño. 💚

#LocalCivilRegistry

#OutstandingLCRO

#SerbisyongMayPusoatMalasakit

#TayoAngBagongLaurel

#BagongLaurelMaunlad


Post a Comment

0 Comments