Malugod nating tinatanggap sa bayan ng Laurel ang serbisyong hatid ng kapwa natin Laureleño, na si Dra. Deebe Brotonel, ang magiging katuwang ni Dra. Hazelie Diomampo sa ating Rural Health Unit (RHU). Sa pamamagitan nito, mas maraming Laurelen̈o pa ang mabibigyan natin ng Serbisyong Medikal. Si Dra. Deebe ay nakaduty sa RHU natin tuwing Martes at Miyerkules.
Ang ating RHU ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8 ng umaga - alas singko ng hapon upang tugunan ang inyong pangunahing isyung pangkalusugan. Sarado naman ito tuwing holiday, Sabado, at Linggo.
0 Comments