𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 - 𝐌𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐔𝐏 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐓𝐄𝐏𝐒 𝐓𝐎𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀 𝐁𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐔𝐓𝐔𝐑𝐄 🎓✨

 


𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦, 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬

Isang makulay, masaya, at punong-puno ng inspirasyon ang ginanap na 𝐌𝐨𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐔𝐩 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 na may temang “𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧.” Ang okasyong ito ay sumasalamin sa unang mahalagang yugto ng pagkatuto ng ating mga batang day care, kung saan nahubog ang kanilang kaalaman, disiplina, at pagmamahal sa pag-aaral sa murang edad.

Ang umpisa ng bawat tagumpay ay laging nagsisimula sa maliliit na hakbang, at ngayong araw na ito, kitang-kita natin kung paano ang bawat araw na pag-aaral, bawat aral na natutunan. Tunay ngang ang maliliit na hakbang na ito ay malaking ambag tungo sa kanilang magandang kinabukasan.

Pinangunahan ang programa ng ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐌𝐬. 𝐁𝐚𝐫𝐛𝐚𝐫𝐚 𝐌. 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, katuwang ang ating mga dedikadong 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 na nagsisilbing pangalawang magulang at gabay ng ating mga batang day care.

Kasama nating nakibahagi sa makabuluhang selebrasyon ang ating mga kagalang-galang na miyembro ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, 𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐞𝐳𝐥 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨, 𝐚𝐭 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐮𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐢𝐠, bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa mga programang pangkabataan at pang-edukasyon ng ating bayan.

Sa bawat ngiti at tagumpay ng ating mga batang day care, nakikita natin ang pag-usbong ng isang mas maliwanag at maunlad na kinabukasan para sa bawat kabataang Laureleno. 

Mabuhay ang ating mga munting graduates! Patuloy kayong mangarap, matuto, at magtagumpay! 🌟📚

#BLMUpdates #SerbisyongMayPusoatMalasakit #TayoAngBagongLaurel #BayanngLaurelMaunlad #MovingUpCeremony2026 #EarlyChildhoodEducation


Post a Comment

0 Comments