Taos-puso nating kinikilala at pinasasalamatan ang ating mga Child Development Workers na patuloy na naglilingkod nang may malasakit at dedikasyon sa ating komunidad.
Sa bawat araw na inyong ginugugol sa paggabay at pagtuturo sa ating mga kabataan, kayo ay nagiging ilaw sa kanilang murang isipan at sandigan sa kanilang paglaki. Higit pa sa kaalaman, hinuhubog ninyo ang kanilang pagkatao at pinatitibay ang kanilang pundasyon bilang mga responsableng mamamayan.
Maraming salamat sa inyong walang kapantay na serbisyo. Kayo ang tunay na inspirasyon ng ating komunidad.
Mabuhay po kayong lahat!
#BayanNgLaurelMaunlad
#SerbisyongMayPusoatMalasakit
#SaludoSaMgaGuro
#ChildDevelopmentWorkers
0 Comments