𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐔𝐋𝐈𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐈𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐈𝐇𝐀𝐍 💜✨

 



𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦, 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬

Bilang pangunahing tampok ng pagdiriwang ng 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔, matagumpay na naisagawa ang paggagawad ng pagkilala at sertipiko sa ating mga Ulirang Ina at mga Presidente ng Kababaihan mula sa iba’t ibang barangay. Isang makabuluhang pagkilala ito sa kanilang dedikasyon, malasakit, at mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng ating komunidad.

Pinangunahan ang nasabing gawain ng ating butihing 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫𝐚 𝐀𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐀. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, kasama si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫𝐚 𝐋𝐞𝐞𝐬𝐯𝐢𝐞 𝐐. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 at ang mga miyembro ng 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐋𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 (𝐁𝐋𝐌). Nakiisa rin ang ating mga kababaihang lider mula sa iba’t ibang sektor at barangay ng bayan.

Kasama nating Buong pusong sumusoporta si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐚𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞 at ang mga kagalang-galang na miyembro ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐇𝐨𝐧. 𝐒𝐲𝐥𝐯𝐢𝐚 𝐀𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐨𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐢𝐤𝐨 𝐄𝐧𝐝𝐨𝐳𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐢𝐞𝐳𝐥 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐢𝐧𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐡𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐫𝐢𝐬 𝐀𝐠𝐨𝐣𝐨-𝐉𝐢𝐦𝐞𝐧𝐞𝐳, at 𝐀𝐁𝐂 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐍𝐞𝐥𝐥𝐢𝐞 𝐆𝐞𝐦 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐮𝐛𝐚𝐭.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa lakas, galing, at puso ng kababaihan ng Laurel, patuloy na nagsisilbing haligi ng tahanan at inspirasyon ng buong komunidad. 💜

#WomensMonth2026
#BLMUpdates
#BabaeLakasNgMamamayan
#SerbisyongMayPusoatMalasakit


Post a Comment

0 Comments