𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐄𝐗𝐄𝐑𝐂𝐈𝐒𝐄𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

 



𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐮𝐫𝐞𝐥

Muli nating ipinagdiriwang ang panahon ng mga umaakyat ng baitang at Nagsisipagtapos, isang mahalagang yugto na nagbibigay-parangal sa pagsisikap, tiyaga, at tagumpay ng ating mga mag-aaral. Ngayong taon, tampok ang temang “𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐢𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬: 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨.”

Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga gawaing pang-edukasyon at sa tagumpay ng ating kabataan, ipinadala natin ang ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫 na si 𝐃𝐫. 𝐁𝐢𝐞𝐧𝐯𝐢𝐧𝐢𝐝𝐨 𝐒. 𝐌𝐚𝐲𝐮𝐠𝐚, kasama ang mga kawani ng ating tanggapan na sina, 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐨𝐞𝐦𝐚𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐨𝐭 𝐚𝐭 𝐌𝐬. 𝐋𝐲𝐳𝐚 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳 upang maging ating kinatawan sa mga isinasagawang Commencement Exercises dito sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong pagtitipon, ipinapakita natin ang suporta at pagpapahalaga sa mga kabataang nagsipagtapos na inaasahang magiging katuwang sa paghubog ng mas maunlad at mas matatag na kinabukasan ng ating bayan.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at huwaran ng kakayahan, integridad, at mabuting pagkatao para sa ating lipunan. 


Post a Comment

0 Comments