DOUBLE CELEBRATION, DOUBLE SUCCESS!
From jowa goals to board exam goals!
Isang napakagandang kwento ng pag-ibig, sipag, at tagumpay!
Congratulations kina Mary Ann R. De Villa ng Purok 2, Bugaan West, Laurel Batangas at Jerome G. Almeda ng Poblacion 3, Laurel Batangas sa kanilang tagumpay sa February 2026 Criminologists Licensure Examination!
Si Mary Ann ay anak nina Pedro M. De Villa at Bibiana R. De Villa, habang si Jerome naman ay anak nina Leonardo R. Almeda Jr. at Aurea G. Almeda. Pareho silang nagtapos sa BSU–Malvar at ngayon ay pareho nang ganap na Criminologists!
Hindi lang sa pag-ibig nagtagumpay ang magkasintahang ito—pati sa pangarap at propesyon! Bukod pa rito, sila rin ang mga masisipag na may-ari ng Shawarap Riverside, patunay na kayang pagsabayin ang negosyo, pag-aaral, at pangarap.
Ang kanilang kwento ay inspirasyon na kapag may pagmamahal, suporta sa isa’t isa, at determinasyon, walang imposible.
Proud ang Laurel sa inyong dalawa!Congratulations at mabuhay ang bagong Criminologists ng Bayan!
0 Comments