Public Advisory: Compressed Workweek Implementtaion


  𝐁𝐋𝐌 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: 𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐔𝐑𝐄𝐋, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒 

✨


Ipinapaalam ng Pamahalaang Bayan ng Laurel sa publiko ang pagpapatupad ng 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐰𝐞𝐞𝐤 (𝗙𝗼𝘂𝗿-𝗗𝗮𝘆 𝗢𝗻𝘀𝗶𝘁𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗔𝗿𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁) para sa mga tanggapan ng ating LGU alinsunod sa 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟗, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔, bilang suporta sa 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐍𝐨. 𝟏𝟏𝟒, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔 ng Office of the President at 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟕, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Layunin ng hakbang na ito na isulong ang pagtitipid sa enerhiya, habang nagpapatuloy ang operasyon at pagbibigay ng maayos na srbisyo publiko sa ating mga tanggapan, at mga mamamayan.

🗓️
 𝐀𝐫𝐚𝐰: 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬
🕰️
 𝐎𝐫𝐚𝐬: 𝟕:𝟎𝟎 𝐀𝐌 – 𝟔:𝟎𝟎 𝐏𝐌

⚠️
 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: Ang mga tanggapan na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng 𝐑𝐇𝐔, 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎, 𝐚𝐭 𝐌𝐒𝐖𝐃𝐎 ay mananatiling operasyonal upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mamamayan.

Inaanyayahan ang lahat na planuhin ang kanilang pagbisita sa munisipyo alinsunod sa bagong iskedyul ng operasyon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon. Sama-sama nating suportahan ang mga hakbang para sa mas maayos at episyenteng pamamahala sa ating bayan.

Post a Comment

0 Comments