Women’s Month | 🌸 Pagkilala sa Ulirang Ina 2026 🌸

 


Sa pagdiriwang ng Women’s Month, matagumpay nating kinilala ang mga Ulirang Ina na tunay na haligi ng tahanan at inspirasyon ng ating komunidad.

Sa pangunguna ng MWCC President na si Mayora Arlene A. Bruce at KALIPI President na si Vice Mayora Leesvie Bruce, naipakita natin ang taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa kababaihang patuloy na nagsisilbing ilaw at lakas ng ating bayan. 💜

Lubos din ang aming pasasalamat sa walang katapusang suporta ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Lyndon Bruce, gayundin sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, na naging katuwang sa tagumpay ng programang ito.

Ang kanilang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon ang nagsisilbing gabay sa mas matatag at maunlad na kinabukasan.

Mabuhay ang bawat Ulirang Ina! ✨

#WomensMonth2026 #UlirangIna #WeForGenderEquality



Post a Comment

0 Comments