Isang taos-pusong pagbati kay Engr. Mark Jay A. De Sagun sa kanyang tagumpay sa pagpasa sa Civil Engineers Licensure Examination na ginanap noong March 26 & 27, 2026—bunga ng kanyang walang sawang pagsisikap, determinasyon, at dedikasyon sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.
Ang tagumpay na ito ay nagbibigay karangalan hindi lamang sa kanyang mga magulang na sina Annabel De Sagun at Jimmy De Sagun, kundi pati na rin sa buong komunidad ng San Gregorio (Kulit), Laurel, Batangas. Nawa’y magpatuloy kang maging inspirasyon at huwaran sa kabataan at gamitin ang iyong propesyon sa paglilingkod at pagpapaunlad ng ating bayan bilang isang ganap na inhinyero.
0 Comments