APPRECIATION POST

 



Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng tumulong sa agarang pagresolba sa sitwasyon ng ating kababayang si Ma’am Maribel Pampolina.

Kamakailan lamang, humingi ng tulong sa Facebook page na Wow Laurel Batangas si Ma’am Maribel kaugnay ng kanyang hindi maayos na kalagayan sa Middle East. Agad itong nabigyang pansin ng Presidente ng Global Volunteers Group (GLOVO), isang samahan ng mga taga -Laurel, na walang pag-aatubiling kumilos upang matulungan siya. Nagsagawa siya ng pakikipag-ugnayan sa agency ni Ma’am Maribel, pati na rin sa Embahada ng Qatar at Saudi Arabia, at maging sa kanyang employer.

Sa loob lamang ng ilang linggo, naging matagumpay ang pagsisikap na ito, at ngayong araw ay ligtas at maluwalhating nakauwi si Ma’am Maribel sa kanyang tahanan sa San Gabriel.

Ang Lokal na Pamunuan ng Bayan ng Laurel ay Lubos din ang pasasalamat sa OWWA sa ibinigay nitong suporta at tulong sa ating kababayan. Ang pangyayaring ito ay patunay na sa oras ng pangangailangan, ang pagkakaisa at malasakit ng bawat Laureleño ang tunay na lakas ng ating bayan.

Tunay nga—walang magtutulungan kundi tayo-tayo rin. 


Post a Comment

0 Comments