𝗟𝗚𝗨 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦: 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦 𝗗𝗔𝗬 🇵🇭 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲

 


Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Laurel sa buong bansa sa paggunita ng National Heroes Day, bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paninindigan para sa kalayaan, dignidad, at kinabukasan ng ating bansa.

Sa araw na ito, ating alalahanin hindi lamang ang mga kinikilalang bayani ng kasaysayan, kundi maging ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na gumagawa ng kabutihan, naglilingkod sa kapwa, at buong tapang na tumutugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad.

Ang National Heroes Day ay idineklarang Regular Holiday alinsunod sa Proclamation No. 1006, s. 2025, na nagtatakda ng mga Regular Holidays at Special (Non-Working) Days para sa taong 2026.

Mabuhay ang mga bayaning Pilipino! Mabuhay ang kabayanihan! 🇵🇭

#NationalHeroesDay

#NationalHeroesDay2026

#Kabayanihan

#LGUUpdates

#LaurelBatangas

#TayoAngBagongLaurel

#BagongLaurelMaunlad

Post a Comment

0 Comments