Nakiisa ang ating 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 - 𝐇𝐨𝐧. 𝐋𝐲𝐧𝐝𝐨𝐧 𝐌. 𝐁𝐫𝐮𝐜𝐞, sa 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐑𝐚𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 ng Kapitolyo bilang bahagi ng pagsisimula ng 𝐕𝐒𝐑 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐀𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 ngayong araw.
Isinagawa ang programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔, na naglalayong palakasin ang samahan, pagkakaisa, at camaraderie ng mga kawani ng pamahalaan sa pamamagitan ng sports at aktibong pakikilahok.
Pinangunahan naman ito ng Ina ng 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬, 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐥𝐦𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬 𝐑𝐞𝐜𝐭𝐨, kasama ang mga kinatawan at kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng palakasan, muling pinagtitibay ang diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at sama-samang paglilingkod para sa isang mas malakas at nagkakaisang Batangas.
Nagkakaisang Batangueño para sa Matatag na Batangas
#TayoAngBagongLaurel
#BagongLaurelMaunlad
#OneBatangas
#VSRSportsForAll2026
#CivilServiceMonth2026
0 Comments