May Police Clearance na si Mayor!




May Police Clearance na si Mayor! 

Kayo rin mga kapwa namin Laureleño ay madali nang makakakuha ng Police Clearance. Hindi na ninyo kailangan pang lumayo para makakuha ng naturang dokumento sapagkat mayroon na sa ating bayan! Saksi si Vice Mayor Aries Parrilla at mga miyembro ng Sangguniang Bayan gayundin si PMAJ Edgar Sumadsad sa isinagawang grand launching nito noong Lunes, February 6, 2023 sa ating Laurel Police Station. 

Sa administrasyong ito, serbisyo ang ilalapit namin sa inyo. Abangan ang mga susunod pang proyektong laan para sa ikakaalwan ng bawat Laureleño!

Post a Comment

0 Comments