"Sa birthday ko, gusto kong bigyan ng gift ang mga batang PWD."

 


"Sa birthday ko, gusto kong bigyan ng gift ang mga batang PWD." 

Kaninang umaga ay sinimulan na ni Mayor Lyndon M Bruce kasama ang kanyang maybahay na si Ginang Arlene Bruce at kanilang mga anak ang pamimigay ng regalo para sa mga batang PWD.  Sa sandaling ito, patuloy pa ring naglilibot ang kanyang staff na sina Emiliano Hernandez, Lea Mayuga, Nancy Inocentes, Ireen De Sagun, Jinky Gardiola at si Sir Valentine Gardiola sa mga batang PWD  upang personal na iabot ang laruan, lobo, gayundin ang mga pagkaing pambata na tiyak namang magugustuhan nila. 

Hangad ng ating Mayor ang isang makabuluhang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At maging sa kanyang kaarawan, ang iniisip pa rin niya ay walang iba kundi makapagpasaya sa ating mga kapwa Laureleño.

Post a Comment

0 Comments