Central Fishport

 





Kaninang alas 7:30 ng umaga, Hunyo 7, 2023, binisita ni Mayor Lyndon M Bruce at Municipal Engineer Numeriano Landicho ang ating fishport. Kasama nila rito ang mga opisyales ng Philippine Coast Guard na sina CG CPO Michael S Lascano, CG SN2 Raymond U Viconia, at CG ASN Moh'd Rashid N Diamson, kung saan nagpaplanong magkaroon ng Sub-station dito sa ating Central Fishport. 

Dahilan rito, mas magiging madali na ang pagresponde sa mga sakuna partikular ang aksidente ng pagkalunod. Makadadagdag seguridad rin ang kanilang presensya sapagkat regular nang mamomonitor ang ating karagatan laban sa mga ilegal na gawain. Ang buong inspeksyon na ito ay ginabayan ni Ms. Agnes Artista, ang ating fishport manager.

Post a Comment

0 Comments