REROUTING ADVISORY




 REROUTING ADVISORY

Ipinababatid po na bukas araw ng Huwebes, June 8, 2023,  ay pansamantalang isasara muna ang kalsada sa harap ng munisipyo simula 7:00 AM hanggang 12:00 NN. Ito ay magmumula sa pwesto ng Palawan/SMJ Pawnshop hanggang sa pwesto ng Gasso upang isakatuparan ang gagawing Earthquake Drill sa Municipal Compound.

Ang alternatibong daan ay mula sa 7-11 Store patungong palengke. At sa kabilang bahagi ng kalsada naman, ang alternatibong daan ay sa riverside ng Poblacion 3. 

Makakaasa kayo na magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko dahil sa mga itinalaga naming traffic enforcers at barangay tanod. Nasa ibaba ang larawan ng alternatibong ruta na maaari ninyong daanan. 

 Maraming Salamat sa inyong pang-unawa, mga kapwa namin Laureleño.

Post a Comment

0 Comments