From plastic to armchairs real quick! l Naganap kaninang alas 7:00 ng umaga, Hunyo 30, 2023, ang Ceremonial Turnover of School Chairs sa Laurel Central School.






 From plastic to armchairs real quick!

Naganap kaninang alas 7:00 ng umaga, Hunyo 30, 2023, ang Ceremonial Turnover of School Chairs sa Laurel Central School. Ang naturang mga silya ay mula sa recycled plastics na ginawa sa ilalim ng superbisyon ng Coca-Cola Foundation at World Vision sa pakikipagtulungan ng ating MENRO.
Ang 150 na plastic armchairs ay ipinamigay sa mga paaralang ang barangay ay nasa ilalim ng pangangalaga ng World Vision. Naroon sina Mayor Lyndon M. Bruce, Konsehal Norvic Garcia, Konsehal Kiko Endozo, Konsehal Liezl de Castro, Dr. Chona Dirain, ABC President Ruffy Dirain, at School Heads upang saksihan ang gawaing ito.
Salamat po sa pagmamahal sa mga batang Laureleño!

Post a Comment

0 Comments