Isinagawa ngayong araw na ito, Hunyo 30, 2023, ng Pamahalaang Lokal ang Arbor day o ang kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan na makiisa sa Tree Planting Activity.






 Isang Makakalikasang Araw, Laureleños!

Isinagawa ngayong araw na ito, Hunyo 30, 2023, ng Pamahalaang Lokal ang Arbor day o ang kolektibong pagkilos ng bawat mamamayan na makiisa sa Tree Planting Activity. Sa pangunguna ng Municipal Agriculturist na si Bb. Anne Mirjam Atienza, at MENRO Designate, Marvin Vergara, naisakatuparan ito sa Ticub, Laurel, Batangas.
Lubos ang ipinakitang suporta ng MDRRMO staff, Ticub Brgy Officials, BFP, PNP, MAFC, MAG, at mga residente ng naturang barangay sa gawaing ito.
Ayon nga kay Mayor Lyndon M Bruce sa kanyang talumpati, tayo rin ang makikinabang sa dakilang gawaing ito kaya nararapat lamang na mahalin natin ang ating kalikasan. Ugaliin ang pagtatanim at ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Naroon rin sina Konsehal Norvic Garcia, Konsehal Kiko Endozo, at Konsehala Liezl De Castro na nakiisa sa pagtatanim ng mga seedlings.

Post a Comment

0 Comments