Isinagawa ngayong araw na ito sa Immaculate Conception Parish Church ang Luksang Parangal para sa yumaong dating konsehal at Vice-Mayor RAYMUNDO "RUDY" AGOJO.

 





MARAMING SALAMAT, MANONG RUDY!

Isinagawa ngayong araw na ito sa Immaculate Conception Parish Church ang Luksang Parangal para sa yumaong dating konsehal at Vice-Mayor RAYMUNDO "RUDY" AGOJO. Ibinahagi ng mga nagmamahal kay ex- Vice Mayor ang magagandang alaala nang panahong kasama nila ito, ang pagiging huwarang lingkod ng bayan nito at maging ang debosyon, katapatan, at dedikasyon nito sa sinumpaang tungkulin.
Kasama rin sa programa na nagbigay ng mensahe ng pakikiramay sina Mayor Lyndon M Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla, Konsehal Norvic Garcia, Konsehal Iris Agojo, at dating Konsehal Olive de Villa gayundin si Kapitana Lea Sangalang ng Buso-buso.
Binasa naman ni Konsehal Lito Rodriguez ang resolusyong nilikha ng Sangguniang Bayan na nagbibigay ng parangal sa yumaong lingkod bayan. Naroon rin sina Konsehal Kiko Endozo, Konsehal Gina Landicho, Konsehal Liezl de Castro at Konsehal Sylvia Austria na siyang nangasiwa sa parangal na isinagawa.
Sa pamilya Agojo, nawa ay yakapin kayo ng Panginoon sa panahon ng inyong pagdadalamhati. Nakikiramay po kami!

Post a Comment

0 Comments