Maipapangako ng pamunuang ito na sa darating na mga araw ay magkakaroon na ng mas maayos na sistema ng transportasyon sa ating bayan.

 




Naniniwala ang administrasyong ito na ang isang senyales ng umuunlad na bayan ay ang pagkakaroon ng sistematikong transportasyon. Kaya naman, Alas 7:30 ng umaga ngayong araw na ito, Hunyo 29, 2023, maagang nagpulong ang mga opisyales ng Asosasyon ng mga Drayber sa bayan ng Laurel kasama sina Mayor Lyndon M. Bruce, Admin Byen Mayuga, at Admin Alfred Anciado, administrador ng Talisay. Layunin ng serye ng pagpupulong na ito na maisaayos ang sistema ng transportasyon sa ating bayan at mapangalagaan rin ang karapatan ng bawat tsuper at manlalakbay na Laureleño.

Maipapangako ng pamunuang ito na sa darating na mga araw ay magkakaroon na ng mas maayos na sistema ng transportasyon sa ating bayan.

Post a Comment

0 Comments