Ang mga larawan sa ibaba ay ilang lamang sa mga kuha nitong nagdaang graduation ceremonies sa iba't ibang paaralan sa bayan ng Laurel. Sa kabila ng napakabusy na schedule ng ating Mayor Lyndon M Bruce ay pinilit niyang makadalo kahit sa ilang paaralan upang makadaupang palad ang mga magulang, mga guro, punongguro at mga magsisipagtapos. Sa panahon na hindi na kinakaya ng kanyang hectic na schedule, ipinapadala niya bilang kinatawan sina Admin Byen Mayuga at Executive Assistant Lornadeth Paglinawan upang iparating ang kanyang kagalakan sa tagumpay na ito ng ating mga mag-aaral.
Nais rin naming pasalamatan si Dr. Chona Dirain sa kanyang sipag at sigasig na madaluhan lahat ng seremonya ng pagtatapos sa ating bayan gayundin sa mga PTA Officers at Brgy Officials sa inyong bahagi sa tagumpay ng mga gawaing ito.



0 Comments