Kasalukuyang nagaganap sa Municipal Function Hall ngayong araw na ito ng Hulyo 19, 2023, ang Free Breast and Cervical Cancer screening sa 100 na mga Laureleña. Sa pangunguna ng opisina ni Vice Mayor Aries Parrilla sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan, kasama nilang dumating ang mga kinatawan buhat sa JMI World Class Batangas at Philippine Cancer Society sa ating bayan.
Labis ang pasasalamat ni Mayor Lyndon M. Bruce sa inisyatibong ito sapagkat serbisyo na talaga ang inilalapit natin sa ating mga kababayan. Mga kasapi ng Babae, Lakas ng Mamamayan ang sasailalim sa screening na nabanggit. Naroon rin ang mga myembro ng Sangguniang Bayan upang ipakita ang suporta sa gawaing ito.



0 Comments