TAMANG NUTRISYON NI MOMMY PARA SA MALUSOG AT MATALINONG BABY
Binabati ng Pamunuan ni Mayor Lyndon M Bruce kasama sina Vice Mayor Aries Parrilla at mga Myembro ng Sangguniang Bayan ang RHU - Laurel sa pangunguna ni Dr. Ben Garcia at Nurse Maylene Reyes sa isang matagumpay na orientation sa 150 na Laureleñang buntis na ginanap ngayong umaga, Hulyo 19, 2023, sa ating Municipal Gymnasium. Ang mga nagdadalang-tao nating mga kababayan ay nakatanggap ng buntis kit, gayundin ng limang kilong bigas. Ang ilan naman sa kanila ay nakatanggap ng 1,000 piso bilang mga pinakamay-edad na nagbuntis sa naturang grupo.
Patuloy na pinaalalahanan ng ating mga lingkod - bayan ang ating mga kababayang buntis na ingatan ang sarili lalo na at may buhay na pumipintig sa kanilang sinapupunan. Sa huli, makakaasa ang ating mga kababayan na ms marami pang mga gawaing nagsusulong ng kalusugan at karapatan ng mga kababaihan ang magaganap sa ating bayan.



0 Comments