Agarang pagtulong ng MDRRMO, BFP, gayundin ng MENRO sa Service Catholic School

 








Nitong nakaraang araw na malakas ang pag-ulan, naapektuhan nang malubha ang Servite Catholic School dulot ng mga lupa na napupunta sa kanilang establisyemento dahil sa pagbaha. Kaya naman ngayong araw na ito, Lunes, Agosto 28, 2023, agaran silang tinulungan ng ating MDRRMO, BFP, gayundin ng MENRO upang maging mabilis ang paglilinis ng kanilang kapaligiran.

Binisita rin sila ni Mayor Lyndon M Bruce upang personal na makita ang kanilang kalagayan at tinalakay rin ang mga agarang solusyon kaugnay ng kanilang kalagayan lalo na ngayon at pumasok na ang Tag-ulan.

Post a Comment

0 Comments