Pagbisita ni Mayor Lyndon M Bruce sa pamilyang apektado ng matinding pagbuhos ng ulan

 







Ngayong araw na ito rin ng Lunes, Agosto 28, 2023, naging prayoridad rin ni Mayor Lyndon M Bruce na bisitahin ang mga pamilyang apektado ng matinding buhos ng ulan na kasalukuyang namamalagi sa Brgy. Hall ng Dayap Itaas. Kasama ang MSWDO staff, mainit na sinalubong sila ng mga tagaroon sa pangunguna ni Kapitana Santa. Kasabay ng pangungumusta, isinagawa rin ang pamimigay ng bigas at mga de lata sa ating mga kababayan.

Maging laging handa at mag-iingat tayong lahat. Ugaliing makipag-ugnayan palagi sa ating mga Punong Barangay upang matugunan kaagad ang ating mga pangangailangan sa panahon ng Bagyo at matinding buhos ng ulan.

Post a Comment

0 Comments