Ngayong araw na ito, Agosto 22, 2023...







 Ngayong araw na ito, Agosto 22, 2023, maagang tumungo sa Batangas Capitol sina Mayor Lyndon M Bruce at Vice Mayor Aries Parrilla upang dumalo sa pagkilalang isasagawa sa ating Ms. Pageant of the World Philippines 2023 Grand Winner Xyrilla Antonio. Ramdam na ramdam ng ating magandang kandidata ang pagmamahal ng mga kapwa Batangueño at ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya. Ilang linggo na lamang ay lilipad na patungong Sydney Australia si Xyrilla upang maging kauna-unahang Filipina na sasali sa prestisyosong Pageant of the World 2023.

Bukod kay Governor Dodo Mandanas, nagpahayag rin ng pagsuporta si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan sa ating kandidata. Ayon sa kanila, ang tagumpay ni Ella ay tagumpay ng bawat Batangueño at ng bawat Pilipino!

Post a Comment

0 Comments