GUPIT, GAMIT, AT SOPAS!
Aliwalas ang bitbit na serbisyo ng LGBTQ Community ng Laurel Batangas sa pangunguna ng focal person na si Raymark 'Bianca' Pesigan nang ang kanilang proyekto ay magsagawa ng libreng gupit sa mga mag-aaral buhat sa Sitio Bignay, Bugaan West, Laurel, Batangas bilang paghahanda sa darating na pasukan. At para kumpleto ang handog na serbisyong ito, sa pamamagitan ng Batangas Varsitarian Laurel Chapter ay nagpadala si Mayor Lyndon M. Bruce ng mga school supplies para sa mga bata at kaukulang halaga para sa pagkain ng mga volunteers gayundin sa mga magpapagupit na mga mag-aaral. Ang Sangguniang Bayan naman sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla ay nag-ambagan rin para sa feeding program ring ito.
Tunay na nakakataba ng puso sapagkat ang diwa ng bolunterismo at pagkakaisa ay buhay na buhay sa bayang ito. Kapag sama-sama, magiging masaya at anumang gawain ay kayang-kaya!
Isang Pagsaludo sa inyo aming mga volunteers!



0 Comments