Ginanap naman kaninang umaga, August 22, 2023, ang pagkakaloob ng DSWD ng pondo sa mga grupo ng Laureleñong napabilang sa Sustainable Livelihood Program na proyekto ni Congresswoman Maitet Collantes. Ang Heart of Gold, Good Steward, Lucky 25, at Brighter ang mga asosasyon na matagumpay na nakakuha ng mga pondong pangkabuhayan. Personal itong dinaluhan ng ating butihing Congresswoman kasama si Atty. King Collantes. Naroon rin sa programang naganap sa Function Hall sina Admin Byen Mayuga, Konsehal Kiko Endozo, Konsehal Lito Rodriguez, Konsehal Norvic Garcia, at MSWDO sa pangunguna ni Maam Barbara Macaraig.
Sa inyo, Congresswoman Maitet Collantes, nagpapasalamat ang administrasyon ni Mayor Lyndon M Bruce at ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parilla sa inyong malasakit at pagmamahal sa aming mga Laureleño!




0 Comments