LIWANAG SA DILIM♥️
Naging malaking hamon para sa pamilya ni Kate, 13 taong gulang, ang kanyang kalagayan. Mula pagkabata ay hindi na nakakakita ang dalagita. Matapos magtapos ng elementarya sa Balakilong Elementary School, naging panibagong hamon muli sa kanyang pamilya ang pagpapatuloy niya ng pag-aaral sapagkat walang paaralan pa sa ating bayan na maaaring makatugon sa kanyang espesyal na pangangailangan.
Kaya naman, ngayong araw na ito, Agosto 29, 2023, malugod na tinanggap si Kate at ang kanyang ama sa tanggapan ni Mayor Lyndon M. Bruce. Bilang isang ama, ramdam rin ni Mayor ang pinagdaraanang hirap ng kalooban ng ama ni Kate. Lalo na at mapapalayo ito sa anak dahil sa Maynila ito mag-aaral kung saan may paaralang handang umagapay sa mga batang tulad niya. Kaya naman, hindi siya nag-atubili na bigyan ng tulong pinansyal ang mag-ama.
Sa mga kabataang Laureleño, nawa ay maging inspirasyon ninyo si Kate na hindi nagpapatalo sa hamon ng buhay at patuloy na nagnanais makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kapansanang taglay.
Sa iyo, Kate, hinahangaan ng administrasyong ito ang iyong tapang at tatag. Hangad namin ang iyong tagumpay sa iyong pag-aaral sa Maynila!


0 Comments